Saturday, December 15, 2007

Sana

Hangad kong muling makita
Ang iyong ganda
Na nagbibigay ilaw
Sa gabing kay panglaw

Nais kong muling madama
Haplos ng iyong mga mata
Na siyang pupukaw
Sa damdamin kong uhaw

Darating pa ba?
Aasahan ko pa ba
Ang pagdating ng araw
Na sa tulad ko'y tutunaw?

Mapagsasama mo ba
Ang langit at lupa?
Makukulayan ba ng bughaw
Ang araw na dilaw?

No comments: