Saturday, December 15, 2007

Ang Araw

Tumingin ako sa langit
Di kita nakita
Mga ulap ay kapit-kapit
Nasaan ka?

Tumayo ako sa gitna
Di ko napansin
Dumating ka na pala
Bigla akong napatingin

Di ko alam kung ano
Parang balewala lamang
Walang may nais kumibo
Kaya't nagpatuloy nalang

Hanggang kailan mananatili
Magtititigan nalang ba?
Sino ang may lakas magsabi
Sa ating dalawa?

No comments: