Saturday, December 15, 2007

Huli na Ba?

Kung kailan ang araw ay palubog na
At ang buwa'y paparating
Maging mga tala'y naglalabasan na
Saka ka pa dumating

Masisisi mo ba ako
Kung tawirin ko man ang langit?
Para lang malaman mo
Ulan ay nais makamit

No comments: