Saturday, December 15, 2007

Sa Dilim

Mahirap magtago sa dilim
Ngayo'y magtatakip-silim
Gabi'y lalalim
Ako'y nagtungo s lilim

Sa tuwing ako'y nagkukubli
Sa iyong pagbati
Sa loob nagtatago, ngumingiti
Liwanag na ayaw magsabi

Kapagka sila bumaling
At kayo'y tumabing
Daraan sa aking paghimbing
Nakalalatay na hampas ng baging

At kung pagliliwanag ang basehan
Di tanggap ang katunayan
Panahong ma'y magdaraan
Anino sa liwanag ay asahan!

No comments: